YNARES Center, Antipolo, Rizal – Ang pamahalaang lalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Rizal Gob. Jun Ynares ay sistematikong nakipag-ugnayan sa DepEd-Rizal, Philippine National Police (PNP) at iba pang organisasyon para sa maayos na pagbubukas ng klase ngayong school year 2013-2014.
Alinsunod sa National Schools Maintenance Week, mas kilala sa tawag na Brigada Eskwela Week, si Gob. Ynares at sa tulong ng mga empleyado ng DepEd-Rizal, mga opisyales ng paaralan, mga komunidad at mga pribadong organisasyon ay sisimulan ang paglilinis ng mga silid-aralan sa buong probinsya. Mga walis at iba pang panglinis ang ipamamahagi sa nasabing aktibidad.
May kabuuang 321,289 na mag-aaral sa elementarya at high school mula sa DepEd-Rizal at 133,705 mag-aaral mula sa DepEd Antipolo ang nag-enroll sa taong ito.
Dahil sa mataas na resulta nang nage-enroll kada taon, sinabi ni Gob. Ynares na upang ma-decongest ang mga silid aralan sa mga pampublikong paaralan at makapagbigay nang maayos na sitwasyon ng pag-aaral sa mga estudyante, ang pamahalaang lalawigan ay agresibong ipinagpapatuloy ang pagtatayo ng mga paaralan at silid-aralan upang matugunan ang taunang problema sa kakulangan ng silid aralan.
Mula pa noong 2007, may karagdagang 209 na paaralan na may 962 na silid aralan ang naitayo sa probinsya.
Samantala, sinabi ni P/S Supt. Rolando Anduyan, Provincial Director of Rizal Police Provincial Office (RPPO) na magkakaroon ng karagdagang puwersa ng kapulisan na magbabantay sa mga paaralan upang mahadlangan ang anumang masamang gawain at mabantayan ang kapakanan ng mga guro at mag-aaral partikular sa pagsisimula ng klase.
“Sa ating ginagawang mga paghahanda at sa tulong ng mga organisasyon, nakasisiguro tayo na magiging maayos ang pagbubukas ng ating mga klase sa Rizal. Prayoridad rin natin ang kaligtasan ng ating mga guro at estudyante,: wika ni Anduyan. (Rizal Public Information Office)