Si Gen. Gil katabi si Angono Comelec officer Arthur Mercado |
Ulat at mga litrato ni Richard R. Gappi
10:55AM, Thursday, June 20, 2013
Angono Rizal News Online
Personal na ininspek ng nagpoprotestang kandidato sa pagka-mayor ex-Gen. Virtus Gil – wala pang 30 minuto ang nakakalipas – ngayong Huwebes, June 20, ang paglilipat ng mga balota na muling bibilangin sa korte.
Kasama ni Gil ang kanyang abugado sa nasabing pagkuha ng unang 20 mga ballot box na nakatago sa isang sulok ng gymnasium.
Ang mga ballot box na ito ay mula sa presinto ng Barangay Poblacion Itaas, Poblacion Ibaba, Bagumbayan, San Pedro, San Roque, at isang presinto sa Barangay Mahabang Parang.
Inaasahan na bukas, June 21, sisimulan na sa sala ni Judge Dennis Patrick Perez ang recount sa Branch 67 ng Binangonan Regional Trial Court.
Sa susunod na linggo, mula alas-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang recount mula Lunes hanggang Huwebes. Half day naman ang bilangan kapag Biyernes.
Bukod kay Gil, witness din sa pagtatransfer ng mga ballot box kanina sina Angono Comelec officer Arthur Mercado, Ms. Eva Dolores Rivera na in-charge ng Municipal Treasurer's Office na tagapag-ingat ng mga balota at kasapi din ng Municipal Board of Canvassers, at mga watcher sa magkabilang panig.

Basahin ang kaugnay na balita. (Updated 3: June 17) Sa Angono election protest, recount ng mga balota, sisimulan na ng korte sa Biyernes, June 21: http://www.rizalnewsonline.com/2013/05/news-sa-angono-election-protest-ng.html
Ang listahan ng 20 unang ballot box na irerecount. |